<-- pag-free time yan ang ginagawa namin(picture-picture) 
Retreat….. ummm….
Kahapon, Sept.7 2005… kagagaling lang naming ng retreat… Plano ko mag-blog muna.. kaso, sobrang antok na antok ako... as in pagod na pagod, kahit na hindi naman physical ang ginawa namin…
gusto niyong malaman kung bakit?
Kasi ganito yan…. Dumating akong school mga 12:00 nagbiyahe kami mula school hangang retreat house 1:00… pagdating na pagdating namin… nag-simula agad kami… puro upo lang naman ang ginawa naming… tapos lecture, discussion, at kung ano-ano pa…
tapos 4:00- 4:30 brake naming… picture-picture… tapos…
lectures, discussions, grupings, (ang mga ka-group ko… si Jr, si Eddie, si Margotte, si Miguel…) tapos… naglaro kami ng “do you love me? ”- sobrang saya niyang laro na yan…(di ko na sasabihin kung ano ang mechanics…)… basta laugh trip yang laro na yan… tapos
7:00-8:00 (ata di ko sure) nag-dinner kami… libot-libot kahit madilim na… picture picture…
tapos balik uli… eto na ang pinaka-mahalaga sa lahat… ang iyakan… sobrang babaw tala ng luha ko eh… Nag-kwento si ate del ng kanyang buhay… nakakaiyak… sobrang nakakaiyak ang kanyang talambuhay… naiyak naman ako…hagulgol kamo… tapos pinap-pikit kami… tapos pinaisip kami… tapos… pinaisip yung magulang naming… tapos, yung letter ng magulang namin pinabasa sa amin... pinipilit kong pigilan yung iyak ko pero di ko kaya...basta nakakaiyak eh… ano bang magagawa ko eh iyakin ako…
tapos mga 10:00 pina-akyat na kami... nag-linis ng katawan tapos yung ibang girls natulog na pagkatapos maligo.. Nag-usap usap ang mga 4th year girls na maglaro muna ng killer-killer… tapos si jm bababa at makikisama daw… mga 11:30 na nun.. di pa rin bumababa si jm… kaya naisipan ng girls na mag-iba ng plano... dun lahat kami sa kwarto namin... di Doy, sandali lang natulog agad… si Maedie at Jamy, di rin nakayanan natulog din… lagpas alas dose na nun.. kaya naisipan namin na mag-kwentuhan ng nakakatakot... eh si Elaine, di nakayanan kaya natulog na rin… ang mga natira nalang ako, si tle. Si gotz, si Jordan, si xy, si tin, si mai, si ynna, si les at si sel... walang tulugan sesion ang ginawa namin... nag-kwentuhan lang girl’s talk, lam mo naman pag-babae di mauubusan ng kwe-kwentuhan…usapan talaga naming walang tulugan… mga 3:30 na nun… si Les at si Sel sabi nila did aw nila kaya kaya matutulog muna… kami naming natira wala talagang tulugan… mga 4:30 na biglang may kumatok mga 3rd year… sabi nila maliligo na daw sila… kaya lumabas kami nila tle, gotz at Jordan… yung mga natira umidlip kahit papano… dun lang kami sa hallway hanging nagising na yung ibang girls… kaya kaming apat walang tulugan! Hehehe…
kinaumagahan… balik sa dati… upo.. tapos..umiyak na naman ako kasi naman eh.. ipabasa banaman sa harap ng mga tao yung letter mo sa parents mo.. kaya nakakahiya... pili pa kami ha... take note...
Tapos umuwi na kami... hinatid kami ng school bus… sa sobrang antok ko sa buong biyahe tulog ako… kahiya nga eh.. nasa tabi ako ng bintana kaya expose yung tulog kong mukha!! Hehehe...
PERO MAS MASAYA AND MAS SULIT YUNG RETREAT NGAYON KAYSA DATI...


No comments:
Post a Comment